Optimus Prime

Hindi ako fan… naalala ko lang pangalan niya – OPTIMUS PRIME. For some strange (at hindi ako nagrereklamo) reason, I feel PRIMARILY OPTIMISTIC! Wow yan para sa akin, bago yan! Oo na, ang baso ay madalas na half-empty-and-about-to-fall-from-the-edge-of-the-table-look-out!!! sa aking pananaw.

Gusto ko na makabangon ulit.

Kasi mamimili pa kami ni Sharksfin ng maraming maraming gamit para sa aming bahay-bahayan. At magde-decorate kami!

Kasi mamimili pa kami ni Sharksfin ng mga gamit ni Potling.

Kasi gusto ko mag-date kami ni Sharksfin tuwing weekend.

Kasi miss na miss ko na magluto at mamalengke.

Kasi gusto ko na maglakad ulit (puwede raw lakarin from office hanggang bahay-bahayan namin) – or kung papayagan, makalangoy man lang!

Kasi maghahanap na ako ng bagong trabaho. Kelangan simulan ko na mag-imis ng gamit, etc.

Kasi aattend na kami ni Sharksfin simula ngayon sa lahat ng events na invited kami (sana sa Sunday makapunta kami sa birthday ng bebetong ni Krisi at Papa Mark).

Thank you Sharksfin. Thank you family. Thank you Potling. Thank you God.

At Enfamama, Duphaston and Duvadilan.