Buhay Pa Pala Ang Friendster

Halos dalawang taon na akong walang Friendster account. Nung 26th birthday ko, sinubukan kong burahin ang lahat ng bakas ng aking nakaraan (wow!)… mahabang kuwento… iwan na lang natin sa gusto ko ng clean slate, cold boot, rewind, etc. Plus the pathetic fact na hindi ko na rin naman nadadalaw ang Friendster ko dahil sa Surf Control.

Nakikibahay ako sa bahay ng magulang ko mula pa nung September 4. May DSL sa bahay kaya nalimutan ko na ang lupit ng Surf Control. Si Sharksfin na nasa honor roll din ng inactive Friendster users, naisipang silipin ang account niya at ang kanyang mga “friends.” Gulat ako. Marami pa palang adik sa Friendster. Lahat halos ng taong kilala namin within 0-24 hours ago ang nakalagay sa last login.

Dahil diyan, naengganyo ako ni Sharksfin na mag-Friendster ulit. Para sa mga friends ko (juvenile!), nagbalik na ako sa Friendster. Ilang habilin at disclaimer bago pa may mga magalit ulit:

1. Kapag natapos na ang leave ko at bumalik na ako sa totoong buhay, malamang hindi na naman ako makapag-check ng Friendster.
2. Kaya kung may urgent na mensahe, please email na lang sa agradoagrada@gmail.com. Ang Gmails ko, lagi kong nache-check.
3. Ulit ang number 1. Wala akong bottomless access to the internet na puwedeng pasukin ang Friendster. Salamat sa Surf control.
4. Marami pa akong hindi naiintindihan sa mga Friendster functionalities.

Yun lang naman.

Advertisements

Our First Family Gift

Birthday ng nag-iisang team mate ni Sharksfin. Bumili kami ng gift. Ang nakalagay sa card… From AgradoAgrada, Sharksfin and Potling… Kinarir ko ang pagbalot ng regalo. Nanonood lang si Sharksfin ng TV. Dinahas ko pa para sulatan niya ang card.

Totoo na ito. At gusto ko itong gawin hanggang kaya ko pang gumupit ng papel.

You Want? We Want.

The Prayer

Pregnancy is not a disease. It’s a special condition. Please help me acknowledge that hormones have no sense of decency when it comes to invading feelings and thoughts. Therefore, please STOP me from making decisions and conclusions while I am still the landlady to resident baby. Also, please induce a lot of “forgetting” chemicals into my system until my baby is clinically safe and stable. There are so many things that I wish to forget.

Amen.

China Milk Scare – Call for Action

Sa wakas ay naglabas na rin ang BFAD ng listahan ng mga produkto sa merkado na posibleng nakontamina ng melanine. Habang naghihintayan ang awtoridad sa mga susunod na hakbanging tunay na makakatulong – hindi maninindak – sa publiko, inirerekomenda ni Agrada ang sumusunod na milk crisis contingency measure:

Manawagan sa lahat ng ina na kasalukuyang may kakayahan pang magpa-suso. Pe-presyuhan ng gobyerno ang gatas ng ina – per ounce. Ligtas na, masustansiya pa. At hindi titigil ang gulong ng ekonomiya sa paggulong. Tinapay, cake, gatas na may tender loving care at colostrum pa kung sinusuwerte. Tataas ang GDP at GNP for how many days (or months depende sa kung gano katagal matatapos ang crisis) dahil ang mga hindi pinepresyuhang kontribusyon ng kababaihan ay magkakaron ng presyo.

Ito ay tatawaging OPLAN SUSO PINOY!

Iisa Pa Lamang – Ms. Etiquette Question

Nung Miyerkules at Huwebes ng gabi, nanggagalaiti ako sa mga eksena sa “Iisa Pa Lamang.” Convincing si Angelica Panganiban ha. Marami akong naalala sa kanya. Anyway, kagabi, ang eksena si Gabby, na fiance na ni Claudine, ay sinali sa auction ng supposedly bachelors. Nung una, sinubukan ni Gabby na mag-pass pero ang sabi ng host, eh bachelor pa rin siya so go. Ni hindi nag-assert ang Gabby na kahit bachelor ako, engaged na ko, therefore, hindi na ako dapat isali diyan. So anong naging ending, si Angelica ang nagwagi sa auction. Dahil diyan nagkaron ng opportunity si Angelica na dalhin siya sa bahay, patulugin at palabasin na may nangyari sa kanila. Tsk tsk tsk.

So ang tanong… sa mga public gatherings – kasal, binyag, libing, etc. – ang isang lalaki o babaeng engaged ay dapat pa bang isali sa mga pang-single na activity? Halimbawa – yung saluhan ng wedding garter o bouquet?

Si Sharksfin, inimbita dati sa isang kasal. Engaged na kami nun pero hindi ako imbitado. Siya ang nakasalo ng garter (kagaya ng kinatatakutan ko). Ayun, so siya at isang officemate eh may kodak moments. Sinusuot niya ang garter sa sa leg nung babae habang ligayang ligaya ang madla sa pagsigaw ng “higher!”. Saya diba? Ni hindi pa namin yun nagagawa.

So ang seryoso kong tanong… dapat pa bang sumali sa pang-single na activities sa public gatherings ang mga engaged? O kung ikaw ang host ng event, dapat mo ba sila piliting sumali?

Sagot! Higher!

Scary Ad

“Sorry. I’m stinky. I’m dirty. But see, I learned.”

Kinikilabutan ako sa mga posibleng “after x years” eksena ng commercial na ito. Sa ad, pinapakita ang isang bata na nadungisan nang husto dahil sa gardening. Ang point, ok lang na nagdumi at bumaho, basta may natututuhan.

Sabi ko kay Josie… imagine sabihin sa iyo ng anak mo…

“Sorry mommy. I got pregnant, I had an abortion. But see, I learned.”

or

“Sorry mommy, nasunog ko ang bahay. But see, I learned.”

Knock on wood.