Kabuwanan

Kung puwede lang,
idudugsong kita sa makirot kong balakang
sa dakong tadyang
kung saan, ayon sa alamat,
dinukot ako para ka makapisan

Ang pugad ng ating supling
ay tatawid sa iyong tagiliran
sabay tayong ngingiwi sa bawat tadyak
at bundol ng bumbunan
sa ating mga pantog

Pareho tayong matatali
sa bahay
sa higaan
sa upuan
Pikit mata, kakalimutang may trabaho sa opisina
(at mapabalitang iresponsable o sadyang maarte dahil daw
“Pregnancy is not a disease”)

Dahil ang pagiging inahin/amahin
ay trabahong hindi maaaring paghintayin

Pero dahil kami,
ayon sa alamat,
ang kumagat sa mansanas
Mananalangin na lang

Na kung puwede lang
Hindi na sana kailangang magpaliwanag
Para maunawaan

Para sa lahat ng buntis ngayong tag-init.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: