Sa lahat ng ayoko, yung sasagot ng telepono sa bahay. Kasi hindi mo alam kung sino ang nasa kabilang linya. Kahit may caller ID, ayoko pa rin. Sa dami ng tumatawag sa bahay namin hindi mo na alam kung sino ang puwedeng bumulaga sa kabilang linya. Siguro childhood/pre-puberty/puberty trauma ito. Ang dami kasing epal na tumatawag sa bahay at ginagawang greeting ang mga killer lines na:
- Mataba ka pa rin?
- Magkano na ang suweldo mo?
- Ipasok mo naman ako/kamag-anak/kapitbahay/kakilala riyan sa trabaho mo.
- Ang yaman yaman mo na siguro.
- Hirap na hirap nga kami ngayon sa buhay, di gaya niyo.
Siguro rin, likas lang akong anti-social sa totoong buhay. Sa opisina, napipilitan lang akong sumagot ng telepono dahil parte yun ng trabaho ko. Mayayari ako kapag may nagsabing hindi ako sumasagot ng desk phone.
Mga tatlong minuto na ang nakalipas. Hinugot ko ang kable ng telepono. May tawag nang tawag. Walang tao rito sa bahay kundi ako (at tulog ang isa kong kapatid). Natuturete ako sa makulit na kiriring. Isang mabilis na hugot lang ang solusyon. Hah.
I’m free. Sorry sa kung sinumang caller. Walang personalan. Quirk lang.
Filed under: All in a day's work, Uncategorized | Leave a comment »